Have you ever experienced that you really try your best to forget someone? Have tried different things in order to erase everything about him or her, yet nothing is effective. You keep seeing yourself coming back to someone that you cannot have. If you want that complicated feeling to be expressed with words, then this poem is perfect! This could be 100% #relatable!
-Anadey
Heto ako, nagmumuni-muni,
Sa ating nakaraa’y di mapakali,
Ngunit pangako, di na ako nakadarama ng sakit.
Pero, ikaw padin ang hiling sa bawat sandali
.
Sabi ko nga sa sarili ko,
“Naka move on na ako!”
” Di na ako marupok, wala nang bawian ‘to”
Pero tama nga sila, huwag na huwag magsasalita ng tapos.
Kasi kita mo,
Nandito pa rin ang nararamdaman ko para sayo.
.
Kahit anong gawin ko,
Walang epektibo sa akin.
Dahil kahit sino mang ipilit ko sa sarili ko,
Wala, ikaw at ikaw pa rin.
Dahil sa maikling panahon nang ako’y iyong mahalin?
Sobrang lakas ng dulot nito sa akin.
.
Sa bawat minuto,
Pangalan mo pa din ang sigaw ng aking puso
Walang kahit anong nakakapagpabago.
Grabe! Ano bang gayuma ang gamit mo?
Biro lang, naramdaman ko lang talaga kung gaano ka noon ka-seryoso
.
Nawala man ang salitang “tayo”,
Sa ngayo’y masasambit na lamang ang mga salitang, “ikaw at ako”
Gusto kong malaman mo na nandito pa din ako.
Nandito, na handang magpatawad sa iyo.
Magpatawad, umintindi at magsimula ng panibago.
Panibagong, buburahin ang mapait na kahapon.
.
Sana nama’y dumating,
Ang puntong ang isa’t isa’y mapapansin.
Maging kumportable na muli sa ating mga piling.
Kaya kay Bathala, lahat iyon ay ipinapalangin.
Dahil ang puso ko,
Iniibig ay ikaw pa rin.
-
Featured
Poems
Poetry is when an emotion found its thought and the thought has found words. — Robert Frost In its denotation, a poem is a piece of writing that partakes of the nature of both speech and song that is nearly always rhythmical, usually metaphorical, and often exhibits such formal elements. As aspiring poets, we see… Read more
-
All about the writers!!
Hi! This personal(poetry) blog is our Performance Task in Computer 9, submitted to Mr. Marvin Tañare. The content creators of this blog site are Ms. Anadey Katrina B. Arollado and Mr. Don Miguel C. Carreon, students of 9-St. Augustine of ICA East campus. Anadey is a type of a person who loves counselling. She enjoys… Read more
Follow My Blog
Get new content delivered directly to your inbox.