Poem #3- Dahilan

We’ve been through a situation where we cannot move on because of priceless memories we have created. Tons of why’s and how’s we ask ourselves in our mind and prayers. We are seeking for answers yet no one is able to give one.

Then one day you’ll realize that you deserve so much better. Every moments like heartbreaks and challenges has their own reasons and purposes that will make us stronger and firm in life.

-Anadey

Minsan ako na rin ay nag taka,

Bakit sobrang sama sakin ng tadhana?

Kung kailan may hawak na akong mahalaga,

Bigla na lang kukunin at mawawala.

.

Ilang balde ng luha ang aking naubos.

Mga damdaming gusto kong isigaw hanggang mapaos.

Mga sakit na dinamdam ko ng lubos.

Tanong sa sarili, “kailan ba ‘to matapos?”

.

Matagal na panahon na ako’y di mapakali.

Kalungkutan ay madarama sa di akalaing mga sandali.

Aaminin ko, nahirapan akong hanapin mmuli ang sarili.

Isa pang tanong, “kailan ka ba makakabangon muli?”

.

Isang araw, aking napagtanto,

Na hindi ko ‘to kawalan, kundi sayo.

Mali ka sa parteng sinayang mo ang pag-ibig ko.

Pero ‘di bale na,

Siguro magiging masaya tayo sa desisyon na ‘to.

.

Lahat ng bagay ay may dahilan.

Iba lang gumawa si tadhana ng paraan.

Paraang mararanasan mong masaktan.

Paraang kahit papano ika’y mahihirapan.

Pero wag kang mag-alala, makakamit mo ang tamis ng kasiyahan.

Sarili’y mahalin muna.

Heto na eh, ngayo’y masaya na.

Tama na muna ang pag iintindi ng kasiyahan ng iba,

Para ‘di dadating sa puntong ika’y magiging walang wala.

.

Siguro eto na nga ang aking panalangin,

Mga dahilan na ilang gabi kong pinagpuyatan para isipin.

Pati din ang mabigat na nadaramang tatangayin.

Nakuha ko na muli ang aking mga ngiti, ‘di niyo ba napapansin?

.

Lahat ng bagay ay may dahilan, sabi ko nga kanina,

Kasiyahan ay huwag i-asa sa iba,

Para tunay na pagmamahal ang matamasa.

May dahilan ang lahat, wag kang mangamba.

  • Poems

    November 8, 2019 by

    Poetry is when an emotion found its thought and the thought has found words. — Robert Frost In its denotation, a poem is a piece of writing that partakes of the nature of both speech and song that is nearly always rhythmical, usually metaphorical, and often exhibits such formal elements. As aspiring poets, we see… Read more

  • All about the writers!!

    November 8, 2019 by

    Hi! This personal(poetry) blog is our Performance Task in Computer 9, submitted to Mr. Marvin Tañare. The content creators of this blog site are Ms. Anadey Katrina B. Arollado and Mr. Don Miguel C. Carreon, students of 9-St. Augustine of ICA East campus. Anadey is a type of a person who loves counselling. She enjoys… Read more

View all posts

Follow My Blog

Get new content delivered directly to your inbox.